“Hm?”
Nasurpresa si Andrius nang makakita siya ng isang clue.
Makikita sa hilagang kanlurang bahagi ng palasyo na paulit ulit niyang inikot ang kakaibang fluctuation sa enerhiya. Kapareho ang fluctuation na ito sa naramdaman ni Andrius sa main hall habang nasa gitna siya ng pagtanggap sa pamana. Kaya siguradong iisa lang ang pinagmumulan nito!
“Ito na nga iyon!”
Agad na lumipad si Andrius papunta sa direksyong iyon.
Hindi nagtagal, isang bungkos ng paahon ang nagpakita sa kaniyang harapan. Nakita na niya ang mga ito noong daanan niya ito nang ilang beses kanina pero inakala niyang mga debris lang ito kaya hindi na niya ito masyadong inusisa.
Boom—
Walang pagaalinlangang ipinanghampas ni Andrius ang kaniyang palad.
Whoosh...
Umangat ang alikabok sa ere na nagpalabo sa kaniyang paningin at tumusok sa kaniyang ilong.
Napapigil ng hininga si Andrius habang tinititigan niya ito nang maigi. Isa pala itong kabaong na ilang taon nang nakalibing sa lugar na iyon. Itim na itim ito haba