Natanggal lamang ang ilang mga kalawang dito.
Bahagyang napasimangot dito si Andrius. Mukhang hindi niya mabubuksan ang pintong ito nang puwersahan.
Maingat niyang inobserbahan ang pinto para tingnan kung mayroong misteryoso tungkol dito.
Masyadong naging smooth ang buong pinto lalo na noong matanggal ang kalawang nito. Wala na siyang nakita na kahit ano maliban sa dalawang mga singsing na gawa sa tanso.
“Huh...”
Nang biglang mapansin ni Andrius ang malalim na butas sa isang kinakalawang na bahagi nito. Siguradong isa itong susian.
Boom—
Muli niya itong sinuntok para matanggal ang kalawang sa paligid ng susian.
Mas naging malinaw para sa kaniya ang itsura ng bahaging iyon pagkatapos niya itong suntukin ng ilang beses na nagpakita sa isang pattern. Isa itong butas na kasing kapal ng daliri.
“Ito ang…”
Napasimangot si Andrius nang makita niya ang isang hilera ng mga ngipin.
Nagkaroon ang mga ito ng iba’t ibang layo sa isa’t isa na nagbigay ng kakaibang impresyon sa sinumang ti