Kabanata 969
Sinundan siya ng malamig na mga mata ng babaeng nakaitim ng ilang segundo bago ibinuka nito ang bibig. “Nakita na kita. Pero, hindi mo pa ako nakikita.”
“Hah...”
Natigilan si Alex.
Pero nga pala, kritikal na ngayon si Zoey. Tila nagkaroon ng buhay ang Zharvakko na anting-anting, bumubuo ng makinang na pulang-dugo na daanan at nagmamadaling pumasok sa na maliit na katawan nito. Ang mga baling tadyang at ang mga sugat sa katawan nito ay nagsimulang magsara sa harap mismo ng kanilang mga mata.
At mabilis ding humilom ang sugat sa ulo nito.
Sa tulong ng dalagang naka-itim, tatlong minuto lamang ang ginugol ni Alex sa pagpapagaling sa mga sugat ni Zoey.
“Ehem, ehem!”
Nagising si Zoey, at dilat ang kanyang mga mata. Nagsimula siyang sumigaw nang may pag-aalala, “Bitawan mo yung nanay ko! Pakawalan mo na ang nanay ko…”
Nanatili pa rin ang mga alaala ng batang babae nang inangat ni Terrance sa ere ang kanyang ina. Pagkatapos, nang makitang si Alex ang nasa harap niya, humagulgol siya at ibinaon ang sarili sa mga bisig nito. “Tito, tito Alex! Nandito ka na sa wakas! Huhu... Hu... Inaapi si Mommy ng isang malaking kontrabida! Dalian mo at iligtas mo si Mommy. Labis siyang nagdurusa at hindi makahinga…”
Niyakap ni Alex ang bata at sinabing, “Ayos na, ayos na ang lahat ngayon. Yung mommy mo... Magaling na siya ngayon.”
Tanong niya gamit ang napakabata niyang boses, “Nasaan si Mommy?”
“Nasa labas siya, pupuntahan ko...” panimula ni Alex.
Pero bago pa man siya makatapos magsalita ay tumakbo na palabas si Zoey.
Gayunpaman, nakahilata pa rin sa labas yung bangkay ni Terrance. Kung makakakita ang bata ng ganoong eksena, tiyak na magkakaroon ito ng negatibong epekto sa kanyang munting puso at mag-iiwan ng malaking sikolohikal na peklat sa kanyang isipan. Nagmamadaling inabot ni Alex si Zoey.
Pero masyadong matindi ang kinahihinatnan na naramdaman niya.
Hindi lang siya nabigo sa paghuli kay Zoey, nadulas pa siya at bumagsak sa lupa.
Ang babaeng nakaitim ang kumilos, bahagyang tinatapik ang acupoint ni Zoey at pinatulog ito.
Nang makitang magagamit pa rin ang mga anting-anting ng Zharvakko sa lupa, tinanong niya ang dalaga kung maaari niyang ipasok si Hailey, na hinimatay sa labas, para magamot niya ito.
Malamig na ngumuso ang dalaga. “Sa estado mong iyan, ni hindi mo man lang makayanan tumayo sa sarili mong mga paa, at gusto mo pa ring iligtas ang iba? Anong iniisip mo? Gusto mo bang itapon yung buhay mo? Hindi, bawal mo siyang gamutin!”
“Yung…”
“May sugat lang siya sa laman... hindi siya mamamatay kahit na maantala ang paggamot ng ilang araw.”
“Kung gayon, ako... papagalingin ko muna siya kahit kaunti. Kung hindi, mag-iiwan iyon ng peklat, at mawawalan ng silbi yung binti niya.”
Normal na kahilingan iyon.
Hindi niya inaasahan na bigla na lang manunuya ang dalaga. “Bakit ka ba nababalisa? Baka naman inlove ka sa kanya?”
“Ugh... fucking sister ko siya! Paano iyan magiging posible?”
“Fucking sister? O sister na fina-fuck mo? Alin doon?”
“...”
Ilang sandali pa ay binigyan ni Alex ng kakaibang tingin ang dalaga. Naisip niya na ang dalagang ito ay kahanga-hanga, at ang pangunahing punto ay dumating ito upang iligtas siya sa kritikal na sandali. Nagpapasalamat siya sa sa babaeng ito, ngunit habang nagsasalita ito, tila napakasama ng loob ng mga salita nito, mga salitang hindi komportable sa sinumang makakarinig nito.
Ang mahalagang punto dito ay hindi pamilyar si Alex sa kanya.
Sa ilalim ng tingin ni Alex, lumabas ang dalaga at binuhat papasok si Hailey.
Ngunit maya-maya lang, nagmamadaling dumating ang tatlong babae mula sa pamilyang Stoermer sakay ng puting Mercedes Benz. Bumaba lahat sa sasakyan sina Zendaya, Xyla, at Carey, natulala sa itsura ng villa. Pinagmasdan nilang mabuti ang bangkay ni Terrance bago nagulat si Xyla, “Si Terrance Coleman iyan, ang dakilang elder ng pamilyang Coleman! Patay na siya?!”
“Hubby?!”
Si Zendaya ay higit na nag-aalala kay Alex, agad na luminga-linga sa paligid upang hanapin ito bago tumakbo papasok sa villa. Nang makita niyang buhay pa si Alex sa loob, nakahinga siya ng maluwag.
“Hubby! Salamat sa Diyos at ayos ka lang.”