Kabanata 968
Tapos na ang laban.
Saka lang lumingon si Alex para tumingin. Natagpuan niya ang dalagang nakatayo sa tuktok ng mga puno na parang sinaunang at kagalang-galang na babae. Nakasuot ito ng itim at mukhang nasa edad bandang treinta. Mukha itong maselan at maayos, isang tiyak na walang katulad na kagandahan sa henerasyong ito. Kaya lang, ang kanyang mga ekspresyon ay napakalamig.
“Salamat sa pagtulong mo sa akin, Senior.”
Sa hindi inaasahang pagkakataon, bumuwelo ang babae at diretsong tinutok sa kanya ang isang palaso.
Ang mabilis na kumikinang na palasong may gintong balahibo ay pinahiran ng siksik na Chi habang tumutusok ito sa hangin. Nanlaki ang mga mata ni Alex, at lumabas ang kanyang spiritual power, awtomatikong pinapagana ang kanyang Mystic armor. Ang palaso ay tila bumagal nang husto sa kanyang mga mata, at masasabi niya ang pupuntahan nito.
‘Hindi naman pala nakatutok sa akin!’ agad niyang hinusga.
Ang palasong may gintong balahibo ay dumampi sa kanyang balikat, tumatama kay Byakko kasabay ng ‘kabog.’
Tumagos iyon sa kanyang hita.
Malamang, nang makita ni Byakko na pinatay ang dakilang elder, alam niyang napakasama ng sitwasyon. Muntik na siyang makatakas, natamaan lang siya ng pana ng babaeng nakaitim. Pagkatapos, bumagsak siya sa lupa.
“Zoey!”
Hinawakan ni Alex si Zoey, at masasabi niyang masama ang kalagayan nito. Hindi na maaaring maantala pa ang paggamot na kailangan nito. Samantala, nabalian lang naman ng binti si Hailey. Mabulok man ang buong tuhod nito, tiwala si Alex mapapagaling pa rin niya ito.
Sa kabilang banda, sa ulo tinamaan si Zoey. Kung isasaalang-alang kung gaano pa ito kabata, walang oras ang dapat sayangin.
“Senior, para mailigtas ko siya, kailangan ko nang simulan kaagad. Maaari bang… Maaari ka bang tumayo para magbantay sandali?” Tanong ni Alex sa dalagang mamamana na hindi pa nakakababa sa puno. Bagama’t hindi niya alam kung sino ito, malamang na hindi ito kaaway dahil tinulungan siya nito.
Higit sa lahat, nakaramdam siya ng natatanging pagiging pamilyar sa pagitan nila.
Kaya lang hindi niya maalala kung saan niya ito naramdaman noon. Kadalasan, mahirap kalimutan ang napakalamig na kagandahan ng antas na ito. Ngunit kahit na saliksikin ang lahat ng kanyang alaala, hindi pa nakikita ni Alex ang gayong tao.
Kakaiba ito.
“Sige!” Nagsalita ang dalaga. Malinaw at malamig ang boses niya pero maganda pakinggan. Parang mabubuntis ang tenga mo kapag narinig mong yung mga sasabihin niya.
Pagkatapos niyang magsalita, nakita ni Alex ang katawan nito na marahang bumabagsak sa lupa kahit hindi ito gumagalaw. Lumutang ito pababa sa lupa na parang tunay na misteryosong nilalang, tulad ng diyos na bumababa sa mundo ng mga mortal.
Binigyan ito ni Alex ng matalim na tingin, pagkatapos ay mabilis siyang tumakbo papasok sa villa habang nasa mga bisig niya si Zoey.
Hindi nagtagal, ginamit ni Alex ang sarili niyang dugo para gumuhit ng 32 Zharvakko na anting-anting sa sahig at maingat na inilapag si Zoey sa gitna ng mga ito.
Ngunit nang sisimulan niya na ang proseso, lumalangoy ang pagkahilo sa kanyang ulo.
‘Hindi ‘to maganda! Dumating na ang mga kahihinatnan ng puwersahang pagpapataas ng aking antas!’
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Alex sa kanyang dibdib. Sa totoo lang, hindi siya lubos na sigurado kung gaano kalala ang magiging kahihinatnan. Pero sa sumunod na segundo, nakaramdam siya ng matinding pananakit sa kanyang mga laman-loob, na para bang pinipilipit ang mga ito. Pagkatapos, tumibok ang kanyang puso, at bumuhos ang alon ng sariwang dugo, na siyang hindi niya makontrol.
“Bleh...”
Agad siyang tumalikod, hindi hinahayaan ang dugo na sirain ang Zharvakko na anting-anting na kanyang iginuhit.
Mabilis ding bumababa ang Chi sa kanyang katawan.
Dali-dali niyang kinuha ang isang dakot ng Blood Pill at nilunok ang mga ito bago itinuon ang kanyang spiritual power at ipinutok ito patungo sa mga anting-anting sa sahig.
“Zharvakko Rejuvenation, simulan na!”
Sa labas, narinig ng dalaga ang kaguluhan at nagmamadaling pumasok. Nang makita niya si Alex sa ganoong kalagayan, natigilan siya. Sumigaw siya na may malamig na boses, “Kamatayan ba ang hinahanap mo? Ganiyan na ang estado mo, pero naglalakas-loob ka pa ring iligtas ang buhay ng iba?”
Hindi siya pinansin ni Alex.
Kailangang maging maayos si Zoey, kung hindi, madadama niya ang pagkakasalang lalamon sa kanya sa natitirang bahagi ng kanyang buhay. At hindi niya kakayaning harapin sina Charles at Hailey.
Nang makitang itinulak pa rin ni Alex ang sarili, tinadyak ng dalaga ang paa at kinagat ang mapupula at matambok nitong mga labi.
Pagkatapos, inilagay niya ang isang palad sa likod ni Alex, at ang isang malawak na alon ng walang kapares na spiritual power ay galit na galit na bumulwak sa katawan ni Alex.
Gulat na gulat si Alex, bakas sa mukha niya ang hindi makapaniwalang ekspresyon habang nililingon niya ang dalaga. “Talagang malakas ka sa cultivation, senior. Nag... Nagkita na ba tayo dati?”