Kabanata 967
“Naknamputa?”
“Anong nangyayari?”
Napatulala si Terrance, at ganoon din ang kalagayan ni Alex. Sobrang bilis ng pangyayari na hindi man lang niya ito napansin. Gayunpaman, ang palasong may gintong balahibo ay isang trickshot, at tumama ito sa mahalagang acupoint sa kanang balikat ni Terrance. Nabali nito ang lahat ng meridian sa brasong iyon.
Sa loob ng isang segundo, ang kamay na ipinatong niya sa ulo ni Zoey ay ganap na nawalan ng silbi.
Imposible nang mapatay niya si Zoey ngayon sa isang hampas lang.
Ang unang naisip ni Alex ay lumingon at tingnan kung saan nanggaling ang palasong may gintong balahibo, ngunit pagkatapos, lumutang sa kanyang mga tainga ang malinaw, malamig at mahiwagang boses ng isang babae. “Ano pa ang hinihintay mo? Bilisan mo at iligtas mo siya!”
Nanginig si Alex at agad na bumalik sa katinuan.
Sumabog sa kanyang magkabilang binti ang lakas ng kulog, at naging malabo ang kanyang katawan, nagiging isang daloy ng liwanag na sumusugod patungo kay Terrance.
Nakaramdam si Terrance ng matinding pananakit sa kanyang balikat, at hindi niya na magamit ang kanyang kanang braso. Gayunpaman, isa pa rin siyang Grandmaster, at meron siyang mataas na antas ng martial arts at kakayahan sa cultivation. Hindi makita ni Alex kung sino ang bumaril ng palaso, ngunit nakikita ni Terrance.
Isang babaeng nakaitim.
Nakatayo siya sa malaking puno sa bukana ng Maple Villa 8, hawak ang panang may kakaibang hugis sa mga kamay.
‘Sino yan? Nakakatakot yung aura... at pambihirang kakayahan sa pana!
‘Di kaya ang babaeng iyon ang tumawag ng daan-daang libong kulog? Hindi ba ilusyon lang ang lahat ng iyon? Mali kaya ang mga monghe mula sa Sky Mortals, at hindi iyon ilusyon, kundi isang totoong tao?!’
Nagulat si Terrance. Pumipintig ang mga ugat sa kanyang noo. Nang maisip niya ang posibilidad na ito, hindi niya maiwasang magsisi at mataranta.
Pagkatapos ay nakita niya si Alex na kumaripas ng takbo patungo sa kanya, kaya nagpakawala ng dagundong ang matanda.
Inangat niya si Zoey sa ere gamit ang kaliwang kamay, at pilit na inihagis kay Alex. Ang buhay ng isang maliit, limang taong gulang na bata ay nagsilbing buhay na kalasag para sa kanya, ganap na inilalantad ang kanyang malupit, mabagsik na kalikasan.
Woosh!
May isa pang pagsabog ng gintong liwanag.
Ang babae sa likod ang muling naglunsad ng palaso, nakatutok sa pagitan ng mga kilay ni Terrance.
Sayang lang at handa na si Terrance sa pagkakataong ito. Nakatingin siya sa babaeng inaakala niyang master ni Alex at hindi siya nagtuon ng anumang pansin kay Alex mismo.
Katitikim lang niya ng kapangyarihan ng palasong may gintong balahibo.
Hindi pagmamalabis ang sabihin na may kakayahang tumagos ang palaso sa mga diamante.
May kasama din itong sobrang malakas at mapangwasak na kapangyarihan.
Hindi siya naglakas-loob na harapin ito nang direkta.
Ngunit bilang isang Grandmaster, hindi imposible para sa kanya na ilagan ito.
Ibinaba niya ang kanyang ulo, at dumaan ang palasong may gintong balahibo, halos dumadampi sa kanyang anit kasama ang matinding layunin ng pagpatay nito. Parang nasira ng palaso ang sound barrier, mas mabilis pa kaysa sa bilis ng tunog.
‘Nailagan ko!’ Sumakit ang anit ni Terrance, pero mas masakit ang puso niya.
Mula sa harapang ito, halos nasusukat niya ang lakas ng babae. Sa martial arts, maaring ka-level niya ito. Hawak nito ang isang pana bilang sandata, at hindi ito ganoon kalakas, basta...
Habang pumasok sa isipan niya ang saloobing iyon…
Whoosh!
Pakiramdam niya ay may bumagsak na mabigat na martilyo sa kanyang ulo.
Sa isang sandali, maging ang kanyang kaluluwa ay nanginig, at natulala siya.
Si Alex ang naglunsad ng mas malakas kaysa sa karaniwan na atake gamit ang mental power sa tulong ng banal na perlas sa kanyang upper energy core.
Ang Dragon Bone Sword sa kanyang kamay ay lumabas na din sa sandaling iyon.
Ito ay naging isang daloy ng hangin, na agad na tumusok sa gitna ng mga kilay ni Terrance.
Sa eksaktong sandali, lumipad ang isa pang palasong may gintong balahibo at tumama iyon sa leeg ni Terrance.
Sapul!
Hinawakan ni Alex ang braso ni Terrance at kinarga ang walang malay na si Zoey sa kanyang mga bisig. Para naman kay Terrance, huminto ang lahat ng kilos sa oras na ito.