Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Sukdulan ng BuhaySukdulan ng Buhay
Ayoko: Webfic

Kabanata 966

“Mom, nag-aalala ako sa kanya. Gusto kong sumunod,” sabi ni Zendaya kay Carey. Grandmaster iyon mula sa pamilyang Coleman, at meron na itong mga hostage ngayon sa mga kamay nito. “Sasamahan kita,” sabi ni Carey. Nasangkot si Alex sa pamilyang Coleman ng Missouri dahil sa pamilyang Stoermer ng Michigan, kaya paano niya magagawang tumayo at manood lang? Kaya naman, umalis din ang tatlong babae ng pamilyang Stoermer. Tanging si Claire lang ang naiwan na nakatingin sa gulo sa sahig, puno ng pagkalito. *** Woosh! Sa isang iglap, lumitaw si Alex sa Maple Villa. Pagkatapos niyang gamitin ang kanyang ‘flash-mode,’ mas mabilis pa siya sa isang F1 racing car. Sa pagtakbo ng ganoon kabilis sa kalsada sa siyudad, wala man lang makaaninag sa kanyang mukha, at ang tanging nakikita lang nila ay ang bugso ng hangin na iniwan niya. Hindi niya na kinailangan ng kalahating oras. Wala pang sampung minuto, nakarating na siya sa Maple Villa 8. Nang makita niya kung paano nakaluhod si Hailey sa lupa, nakausli ang nabaling buto mula sa laman at dugo kung saan-saan, naramdaman niya ang nagngangalit na galit na kumukulo sa kanyang puso. P*tangina! Pagkatapos, nakita niya ang katawan ng security guard na nakasabit sa poste ng yero at si Zoey, walang malay, sa mga bisig ni Byakko. Matapos ang mahabang pagsusuri, nalaman niyang may dalawang baling tadyang si Zoey bukod sa pinsala sa ulo nito. Bahagyang naalog ang ulo nito at kanina pa walang malay. Patulan ba naman ang isang bata sa pamamagitan ng pagsuntok dito... p*tangina! “Totoy, ang bilis mo ha!” sabi ni Terrance mula sa kinauupuan. Siyempre, kinuha ang upuan mula sa loob ng villa. Kanina pa giniba yung mga gate nito. Napakurap si Alex. Umabot na sa sukdulan ang pagkauhaw sa dugo sa kanyang puso. Kahit na ang Milky Way at ang pinakamataas na langit ay hindi mapapawi ang galit na nararamdaman niya. Gayunpaman, walang ipinakita yung mukha niya, dahilan para pagtaksilan ang kanyang damdamin. “Hindi ba dapat masaya ka na dumating ako nang sobrang aga? Sa ganitong paraan, mas mabilis mong makikilala si Hades!” Sa Purple Court, nagsimulang gumalaw ang isa sa 36 True Dragon Swords, hindi mapakali. Sa pagharap sa isang Grandmaster, imposibleng ganap na umasa si Alex sa Force o Thunder Palm. Ang tanging paraan na posibleng makaiskor siya ng tagumpay ay ang sorpresahin ang matanda at maglunsad ng palihim na atake gamit ang 36 True Dragon Swords. Malas nga lang dahil ang 36 True Dragon Swords ay magagamit lamang sa Divine Transcendence realm. Bago ito, gumamit siya ng lihim na paraan upang pansamantalang itaas ang kanyang antas, at kahit noon pa man, isa lang sa Dragon Bone Swords ang magagamit niya. At sa kabila ng lahat ng iyon, kinailangan niyang magbayad ng matinding halaga sa kinahihinatnan na nakuha niya. “Heh heh... gumawa ka ng palabas dati para utuin ang matandang ito. Sa tingin mo ba mahuhulog ako sa parehong pakulo?” “Sige. Sa pagkakataong ito, huwag kang tumakas na parang aso na may buntot sa pagitan ng mga paa!” Itinaas ni Alex ang kanyang kamay, saka marahas na tinadyak ang kanyang paa. “Thunder, halika!” Kasabay nito, isang translucent bone sword ang nagtatago sa loob ng kanyang palad. Handa siyang gamitin ang Dragon Bone Sword at ang Thunder Palm Mantra para pumatay. Ang Thunder Palm Mantra ay magsisilbing distraction lang. Ang tunay na ultimate move ay ang Dragon Bone Sword. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, bago pa magkabisa ang thunder mantra, biglang hinawakan ni Terrance si Zoey at hinarap ito sa kanya. Humagalpak siya ng tawa habang sinasabi, “Akala mo ba, ang isang Grandmaster na tulad ko ay talagang makikipaglaban sa’yo? Masyado kang walang muwang!” Hindi mo ba alam kung gaano karangal ang katayuan ng isang Grandmaster? Kailangan siya ng mga Coleman sa Missouri bilang pinuno ng pamilya, kaya bakit niya ilalagay ang sarili sa alanganing sitwasyon? “Ngayon, lumuhod ka. Maging sunud-sunuran ka sa mga Coleman ng Missouri, at pakakawalan ko siya.” “Ano?” Nagulat si Alex, halos lumuwa ang kanyang mga mata dahil sa galit. “Gaano ka ba kasuklam-suklam... isang kahihiyan bilang Grandmaster!” “Hahaha, luluhod ka ba o hindi?” Inilagay ni Terrance ang isang palad sa ibabaw ng ulo ni Zoey. Ang kailangan lang nito ay isang pagsabog ng inner force mula sa kanyang palad, at ang munting buhay ni Zoey ay mawawala sa isang iglap. Si Hailey, na kanina pa nakamasid sa buong eksenang nangyayari sa kanyang harapan, sa wakas ay hindi na nakayanan. Hinimatay na siya. Anong dapat niyang gawin? Hindi niya kayang panoorin si Zoey na patayin sa harap ng kanyang mga mata! Nasa matinding dilemma si Alex sa sandaling ito. Pagkatapos, isang ginintuang daloy ng liwanag ang tila tumagos sa kawalan, at may kasamang matinis na enerhiya. Parang nanginginig ang kalapit na hangin. Wala nang oras si Terrance para umilag habang tumusok sa balikat niya ang palasong may gintong balahibo.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.