Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Sukdulan ng BuhaySukdulan ng Buhay
Ayoko: Webfic

Kabanata 959

Tahimik na naglakad si Claire papunta sa pintuan ng kwartong kinaroroonan ni Alex at idiniin ang kanyang mga tenga roon para pakinggan ang sinasabi ng mga tao sa loob. Nakakalungkot lang na sobrang epektibo ng soundproofing ng bawat private room sa South Cali Dining. Wala siyang ibang marinig kundi ang okasyunal na tawanan. Isang waiter ang nagkataong dumaan sa mga sandaling ito, kaya wala siyang magawa kundi tumalikod at bumalik sa kanyang silid. Parehong nasa loob sina Dorothy at Beatrice. Nandoon din ang pamilya ni Claire. Kaarawan ni Adrianna ngayon, kaya nagtipon dito ngayon ang magkabilang pamilya para sa hapunan. Nandoon din ang kanyang ama, gayundin ang ilang malalapit na kaibigan ni Adrianna. “Mom, ang bilis mo naman bumalik galing sa banyo?” Gulat na napatingin si Beatrice sa kanyang ina. Isang minuto pa lang simula nang lumabas ito ng kwarto. Masyadong mabilis iyon. Isa pa, mukha siyang tuwang-tuwa kanina. Sa kisapmata, para na siyang inutangan ng limang milyong dolyares. Napaupo ulit si Claire sa kanyang upuan, nahihilo. “Anong banyo? Sa sobrang galit ko, nawalan na ako ng ganang umihi.” Sumimangot at ngumuso ang kanyang ama na si Aidan. Buong buhay siyang nagturo at isinilang sa pamilya ng mga scholar, kaya binigyan niya ng malaking pansin ang edukasyon. Sa kasamaang palad, ang dalawang anak na babae na meron siya ay maganda ngunit nagbigay ng labis na pansin sa pera at labis na materyalistiko. Pagdating sa pag-uugali, substandard na mga produkto talaga ang dalawang ito, mga hindi pumasa sa quality check. Lalo na ngayon, kung saan may mga ibang taong naroroon, lantaran niyang ginamit ang salitang ‘ihi’. Napatingin si Dorothy kay Claire. “Sino na naman yung gumalit sa’yo? Bakit parang laging may gumagalit sa’yo kahit saan ka pumunta?” Galit na sabi ni Claire, “Sino pa nga ba? Ang walang utang na loob na talunan, iyang mabuting asawa mo!” Nagulat ang lahat ng nasa mesa. “Mom, si bayaw... si Alex, isang buwan na ang nakalipas mula nang hiniwalayan niya si Ate. Bakit apektado ka pa rin? Kung hindi dahil sa pagbabanta mong magpapakamatay ka, hindi niya hihiwalayan si Ate. Nagsisisi ka na ba ngayon? Anong saysay?” sabi ni Beatrice. Para naman kay Dorothy, napatingin siya sa pinto at nagtanong, “Nakita mo ba siya?” Humigop ng tsaa si Claire. “Nasa katapat siya na private room. Paanong hindi ako magagalit sa kanya?” “Katapat?” Nagulat ang lahat mula sa magkabilang pamilya. Lalo na si Dorothy, naramdaman niya ang malakas na kabog ng kanyang puso sa dibdib... Noong nakaraang pagkakataon, pinagalitan siya ni Alex, at sobrang nalungkot siya hanggang sa puntong ilang araw siyang hindi nakakain. Umiyak siya hanggang sa mamaga ang kanyang mga mata, at alam niyang siya ang mali noon at masyado siyang sumobra sa paraan ng pagtrato niya kay Alex, dahilan para masaktan ito. Gusto niyang humanap ng pagkakataon para personal na humingi ng tawad. Hangga’t handa itong patawarin siya, handa siyang gawin ang lahat para sa lalaking ito. Sa sandaling ito, biglang tumayo si Sharpay. “Boss ko siya. Dahil nasa katapat lang siyang kwarto, pupunta ako roon at aalukin siyang tumagay.” Nakaupo si Claire sa tabi ni Sharpay, at inabot ni Claire ang kanyang kamay upang hilahin nang malakas ang dalaga pabalik sa kinauupuan nito. Tumaob ang baso ng alak sa kamay ni Sharpay at natapon ang alak sa kanyang damit. “Hay naku! Auntie, anong ginagawa mo?!” bulalas niya. Malamig siyang tinignan ni Claire. “Kung gusto mong mapalapit sa kanya at punasan ang sapatos niya, sa tingin ko, kalimutan mo na lang iyon! Naghahapunan siya ngayon kasama ang kanyang bagong biyenan. Kaninong sapatos yung hahalikan mo doon? Yung sa biyenan niya na mabaho?” Naningkit ang mga mata ni Dorothy, ngunit wala siyang sinabi.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.