Kabanata 958
Sa loob-loob, naisip ni Alex, ‘Para magkaroon ng pagkakataong tumakbo si Darven?’
Sa sandaling ito, may sumigaw mula sa labas. “Ahh! Hindi ‘to maganda, nakatakas si Darven!”
Bumilis ang tibok ng puso ni Alex.
Tatakbo na sana palabas si Anna, pero hinawakan siya ni Alex. “Hindi mo pa nakakabit yung sinturon mo.”
Nang ikabit niya ang sinturon at humabol, matagal nang nakatakas si Darven. Walang masyadong tao ang naiwan sa Divine Constabulary, at karamihan sa kanila ay nakahiga sa sahig, mga walang malay. Kasing hina ng mga kuting yung mga may malay pa.
‘Medyo may kakayahan siya!’ Bahagyang nagulat si Alex. Matanda na si Darven. Hindi niya akalaing ganito kalakas ang isang matandang lalaki. Malinaw na ipinakita nito na ang lakas ng isang Shaman ay hindi maaaring maliitin, at makakamit lamang ang kanilang mga wakas ng mga wala sa larangang iyon kung babanggain nila ang isang Shaman.
“Nasaan na siya? Saan siya nagpunta?” tanong ni Anna.
“Pumunta siya sa direksyon ng bundok sa likod,” sabi ng isa sa kanila.
Agad namang humabol si Anna at mabilis na nakarating sa bundok sa likod.
Bigla siyang huminto sa pagtakbo, saka muling tumingin kay Alex. “Tama na, hanggang dito na lang tayo. Matarik ang mga bundok diyan, at kapag nakita ng matandang lalaking hinahabol ko siya, nangangamba akong baka mamatay pa siya sa pagkahulog sa bangin.”
Hindi siya tanga.
Masasabi niyang si Alex ang nagpakawala kay Darven.
Hinawakan ni Alex ang ilong niya. “Medyo matarik nga yung mga bundok.”
“Nakuha mo ba yung mga sagot sa tanong mo? Yung ama mo… nasaan siya?” sabi ni Anna.
Napatingin si Alex sa malayo. “Patuloy na nagiging mahirap lutasin yung misteryong pumapaligid sa kanya.”
Kring kring––
Ilang sandali lang, tumunog ang phone ni Alex.
Hinugot niya ito para tingnan ang caller ID at napag-alamang si Zendaya iyon.
Nakita din ni Anna ang pangalan, at may kumislap sa kanyang mga mata. “Hindi ako magiging thirdwheel sa pag-uusap mo at ng bebe Zendaya mo,” sabi niya. “Balik muna ako! Oh tama, magiging maayos lang naman yung mga taga-Divine Constabulary, tama ba?”
“Oo, wisikan mo lang sila ng tubig,” sabi ni Alex.
Kumaway si Anna, saka tumalikod at umalis.
Pinindot ni Alex ang screen at sinagot ang tawag.
“Zendaya!”
“’Lex, may oras ka ba ngayon? Tapos na ang patalastas ng Lush Scar Removal Cream. Gusto mo bang bumisita at panoorin?”
Napangiti si Alex. “Ikaw yung bida sa patalastas. Siyempre, maganda iyan. Pwede mo na lang ipadala sa nanay ko.”
Nag-alinlangan si Zendaya, pagkatapos ay sinabing, “Buweno, pumunta ang nanay ko sa California, at sinabi niya... Gusto ka niyang ilibre sa labas. Ang laking pabor na ginawa mo sa pagtulong sa pamilya ko noong nakaraan, hindi pa rin kami nakakapagpasalamat sa’yo nang maayos.”
Kumunot ang noo ni Alex, at saglit na lumaki ang ulo niya.
Nagbigay si Carey ng mahirap na tanong sa kanya dati, tinatanong siya kung kailan niya papakasalan ang anak na si Zendaya, ngunit hindi talaga siya makahanap ng paraan upang sumang-ayon dito. Sa pagkakataong ito, hinabol siya nito hanggang sa California; halata ang layunin nito. Marahil ay para matulungan ang anak na makatuluyan ang lalaking magiging manugang niya.
“Kung hindi ka komportable, ayos lang naman. Sasabihin ko lang sa nanay ko na ‘hindi’ at sasabihin kong abala ka.” Sabi ni Zendaya.
“Hindi na kailangan. Puwede ako!” agad na sabi ni Alex.
Bagama’t ipinagpilitan ni Zendaya ang sarili kay Alex dati, ipinanganak ang isang lalaki para pasanin ang mga responsibilidad sa mga ganitong bagay, at isa pa, naantig siya noon.
Hindi siya maaaring maging lalaking walang puso pagkatapos niyang alisin ang mga hadlang upang matugunan ang kanyang sariling layunin, pagkatapos ng lahat.
Nagkataong oras na rin naman para sa tanghalian.
Hindi nagtagal, nakarating siya sa pinagkasunduang lugar. Isa rin ito sa mga restaurant na pag-aari ng Thousand Miles Conglomerate, South Cali Dining, at nagpareserba sila sa Jade Room No. 3.
Nang itulak ni Alex ang pinto para pumasok, hindi niya napansin na kalalabas lang ng isang babae mula sa tapat na private room.
Ito ay walang iba kundi ang kanyang dating biyenang babae, si Claire Assex.
Nang makita ni Claire si Alex na papasok sa private room ay agad siyang nagulat. Pagkatapos, nakita niya si Zendaya sa loob, na bumati kay Alex na may kasamang maliwanag na ngiti. Malambing pa nitong hinawakan ang kamay ni Alex.
Bilang karagdagan, nakatayo rin si Carey na may ngiti sa kanyang mukha at sinabing, “Sige, manugang, halika. Maupo ka! Naku, parang tatlong panahon na ang lumipas sa isang araw na paghihiwalay! Kakapanood ko lang ng patalastas ni Zendaya. Siguradong sisikat pa lalo ang Lush Cosmetics mo!”
Pagkatapos, isinara ang pinto.
Nakatayo si Claire sa labas, nagtataka kung bakit hindi siya komportable!