Kabanata 961
Nakatalikod si Alex sa bandang pintuan, kaya hindi niya nakita si Claire nang una itong pumasok. Kaya naman si Carey, na nakaupo sa tapat niya, ang unang nakakita kay Claire.
Nakakunot ang noo niyang sinabi, “Waitress, kung wala ka nang ihahain, sa labas ka muna! Huwag mong pakialaman yung pagkain at usapan namin dito.”
Nasabi niya iyon dahil nakasuot si Claire ng pula at itim na tradisyonal na dress.
Ang istilo ay halos kapareho ng mga suot ng mga waitress sa South Cali Dining. Iyon ang dahilan kung bakit inakala ni Carey na isang waitress si Claire.
Halos mapasuka ng dugo si Claire dahil sa inis na nararamdaman.
Naglakas-loob ang babaeng ito na tratuhin siyang bilang waitress? May mali ba sa mata niya?! Pero naalala niya ang sinabi ng kaibigan ni Adrianna, na ang babaeng ito ay mula sa pamilyang Stoermer ng Michigan, at ang katotohanan na isa itong taong may mataas na awtoridad at hindi dapat galitin.
Kaya naman, pinigilan niya ang galit na naramdaman niya sa puso niya at sinabing, “Hindi ako waitress. Ako yung dating biyenan niya.”
Habang sinasabi niya iyon ay tinuro niya si Alex.
Nang marinig niya ang boses, muntik nang atakihin sa puso si Alex.
Maling yung pagkakalunok niya ng alak, at muntik na siyang mabulunan.
Mabilis na kinuha ni Zendaya ang tissue para kay Alex at tinulungang punasan ang likido kay Alex habang malumanay itong nagtanong, “Ayos ka lang? May problema ba?”
“Ayos lang ako, ayos lang ako!”
Pinakalma ni Alex ang kanyang sarili at naisip, ‘Paano nagawang biglang sumulpot ng baliw na tulad ni Claire? Galing ako sa Divine Constabulary. Imposibleng sinundan niya ako. Kaya naman, iisa lang ang posibilidad, na malamang nandito rin siya para kumain. Ibig sabihin nandito rin si Dorothy?’
Nang maisip niya iyon, pakiramdam niya ay nasa mahirap na sitwasyon siya.
Bagama’t walang ibang nakakaalam, alam niya na ang hiwalayan nila ni Dorothy ay peke, at biyenan pa rin niya ang babaeng ito.
Tinanong niya, “Bakit ka nandito?”
Nginisian siya ni Claire. “Bakit hindi? Syempre, umaasa kang wala ako dito para walang makakabuking sa masama at mapanlinlang mong kalikasan para manlinlang ng mga babae. Pumunta ako dito para ipaalam sa lahat kung anong klaseng tao ka talaga.”
Pagkatapos, tumingin siya kay Carey at itinuro si Alex, at sinabing, “Madam, ako ang dating biyenan ng lalaking ito, at alam ko kung anong klaseng tao siya. Aksaya lang siya sa espasyo, ubod nang galing sa pag-asa sa asawa niya para mabuhay. Eksklusibong umaasa din siya sa mga babae para yumaman. Akala mo ba anak mo lang ang babae niya?
“Mali, ang dami niyang babae. Ilang araw lang ang nakalipas, nakita ko siyang may kasamang babaeng doktor, nakikipaglampungan habang nasa kalsada. Kahit ipagtanong mo pa. Anak siya ng miracle doctor ng California. Coney ang apelyido niya.
“At saka, nauto niya rin ang kasalukuyang presidente ng Thousand Miles Conglomerate. Ginagamit niya ang babaeng iyon, at walang ideya ang babae tungkol dito. Nagpapasalamat pa nga yung babae sa kanya, sa pag-aakalang tinulungan siya nito!
“May isa pa, yung dati niyang senior, pati na ang dating tauhan ng anak ko... Buweno, ang punto rito ay siya ang pinaka-basura sa lahat ng basura, ang pinakamasamang hamak sa lahat ng mga hamak. Hindi siya karapat-dapat sa anak mo. Kung sasama ang anak mo sa kanya, tiyak na pagsisisihan niya ito.”
Nang matapos si Claire, tumingin siya kay Alex na may masama at tuwang ekspresyon sa mukha.
Desidido siyang huwag hayaang magkaroon ng magandang buhay si Alex.
Matapos umasa sa kanyang dating asawa para mabuhay, gusto na niyang manghimasok sa pamilyang Stoermer ng Michigan upang gawin ang parehong bagay, upang maging manugang ng isang marquis? Mangarap pa!
‘Ilalahad ko ang lahat ng kasinungalingan mo at ilalantad ko kung sino ka ngayon! Sa harap ng lahat!
‘Marangal na mga tao sila mula sa maharlikang pamilya, at siyempre gugustuhin nilang panatilihing buo ang kanilang imahe at reputasyon. Hindi sila papayag na maging manugang ka pagkatapos marinig ang lahat ng iyon, at magagalit sila at malamang na itututok pa nila ang kanilang mga pitchfork sa’yo... Hehe, nakasakay ka na ba sa mataas na kabayo? Dahil lang sa itinayo mo ang Lush Cosmetics, akala mo nabaligtad mo na yung kapalaran mo? Naging mayabang na ba si Brittany at minamaliit na ang lahat? Kung ganoon, sige nga at banggain ninyo ang isang maharlikang pamilya! Duda ako na magagawa ng sinuman sa inyo!
‘Kung buhay ka pa pagkatapos nito, sasambahin kita!’
Ngumisi siya sa puso at gusto pang tumawa ng malakas. Napakaganda talaga ng plano niya sa pagkakataong ito.
‘Kung may kailangan kang sisihin, sarili mo lang dapat, Alex. Sa kagustuhang umakyat sa ranggo ng maharlikang pamilya, maghuhukay ka lang ng sarili mong libingan.’
Gayunpaman, habang tahimik na nagdiriwang si Claire, may matagumpay na ekspresyon sa kanyang mukha habang hinihintay niya si Carey na tumayo at simulang pagsisigawan si Alex, hindi naman iyon ginawa ni Carey.
Sa katunayan, binigyan lang ni Carey ng malamig na tingin si Claire, na naglalabas ng malinaw ngunit hindi nakikitang aura ng galit. “Tapos ka na ba? Kung gayon, dalian mo at lumayas ka na. Isara mo yung pinto paglabas mo. Ayaw namin sa’yo dito.”
Ano?!