Kabanata 962
Dahan-dahang naglaho ang mapang-asar na ngisi ni Claire, at nag-alinlangan siyang tama ang narinig niya. “Anong sinabi mo?”
“Sabi ko,” malamig na ulit ni Carey, “Lumayas ka na!”
Malinaw itong narinig ni Claire sa pagkakataong ito. Hindi lamang siya napatulala, ngunit nauwi siya sa matinding galit!
Sa pagkamainitin ba naman ng ulo niya, posible bang pigilan iyon?
Siyempre hindi!
“Hay, masasabi ko lang, ang taong katulad mo... bakit hindi ka makatuwiran? Nagkusang-loob na akong pumunta rito para pagsabihan ka, at hindi ka lang hindi nakinig, pero pinapalayas mo pa ako? Walanghiyang hamak iyan, at gusto mo pa ring makapiling iyan ng anak mo? Nanay ka ba talaga niya? Hindi ka naman siguro madrasta niya, tama? At gusto mong magpakasal yung anak mo sa sinungaling na katulad niyan?”
Kung ibang tao ang sinabihan ni Claire ng mga salitang ito, malamang nagwala na ang kausap niya.
Gayunpaman, manugang pa rin ng isang maharlikang pamilya si Carey. Nakatanim sa kanya ang maharlikang kagandahang-asal mula pa noong bata pa siya. Isang tunay na edukadong maharlika, talagang hindi niya magagawa kapag sinabihan siyang manampal ng ibang tao.
Isa pa, hindi sulit kung kay Claire niya lang gagawin iyon.
Tumayo si Carey at sinabing, “Una, hiwalay na ang anak mo at si Alex. Wala nang kinalaman ang pamilya ninyo sa kanya ngayon, at wala kayo sa lugar para mangialam sa kanya.
“Pangalawa, mas alam ko kaysa sa’yo kung anong klaseng tao si Alex. Hindi ko kailangan na bigyan mo ako ng payo.
“Pangatlo, kahit isang daang babae pa ang meron siya, ano naman? Talagang gugustuhin ko ang ganitong lalaki bilang aking manugang! Tinatrato mo siyang parang basura dahil bulag ka, pero sa paningin ko, isa siyang nakatagong kayamanan! Ako, si Carey Stoermer, ay gagamitin ang lahat sa aking buhay para mahalin, protektahan at pahalagahan siya sa halip na itaboy siya.”
Medyo cheesy ang mga sinabi niya.
Gayunpaman, sa pandinig ni Alex, medyo kasiya-siyang pakinggan ang mga ito.
Higit sa lahat, kumpara sa dalawang biyenan, wala siyang naramdamang init mula kay Claire, at lahat ng sinabi nito tungkol sa kanya ay negatibo.
Nakaugat si Claire sa kinatatayuan, naninigas ang buong katawan. Hindi ito nauwi sa kung paano niya ito unang naisip.
Wala naman silang problema sa mga ulo, tama ba?
Sa sandaling ito, nagsalita si Xyla, isa pang babaeng nakaupo sa kwarto. “Kung tama ang pagkakaalala ko, pumunta ka sa City Salon at sa villa ni Alex at nagdulot ng kaguluhan doon ilang araw na ang nakakaraan, hinihiling sa kanya na pakasalan ulit yung anak mo. Ginawa mo iyon kasi gusto mong makibahagi sa mga ari-arian niya, ‘di ba? Parang hindi mo naman masyadong iniisip na isa siyang hamak noong mga sandaling iyon?”
Naninilbihan bilang sekretarya ni Alex si Xyla.
Ang alamin lahat ng maliliit na bagay na ito ay madali lang para sa kanya.
“Ahh…”
Hindi inaasahan ni Claire na malalaman ng iba ang detalye kung ano talaga ang ginawa niya.
“Nabigo ang iyong panukala para sa kanilang muling pagpapakasal, at ngayon ay nagrereklamo ka sa harap ng aming pamilyang Stoermer dahil gusto mong gamitin ang aming kapangyarihan para sirain ang negosyo ni Alex? Kahit ano pa iyan, minsan ka pa rin niyang naging biyenan. Sa pagkakaalam ko, ang katotohanan na kontrolado na ngayon ng pamilya ninyo ang buong Assex Group ay naging posible salamat kay Alex. Siya din yung bumili nung villa na tinitirhan ninyo. Kung hindi dahil sa kanya, malamang wala nang natira sa pamilya ninyo.
“Tapos ngayon, pagkatapos ng hiwalayan bila, sinusubukan mo pa rin siyang pabagsakin gamit ang maliit at maling mga paraan na ito? Sabihin mo sa akin, nasaan ang konsensya mo? Anong pananaw mo sa mundo, buhay, at mga halaga nito? Paano ka nakakatulog nang mahimbing sa gabi?”
Nang matapos magsalita si Xyla, umatras na si Claire sa pinto, namumutla ang mukha, at maging ang mga binti ay nanginginig na.
Maya-maya lang ay may dumaan na mga security guard.
Tinawag sila ni Xyla, “Gard, pakiusap pakitapon ang babaeng ito.”
Maya-maya lang, isang magandang pigura ang lumitaw sa likod ni Claire at hinawakan ang bewang ng matandang babae. Malamig ang kanyang boses habang sinasabi niya, “Hindi ninyo puwedeng basta-bastang itapon yung nanay ko.”
Si Dorothy iyon.
Ito ang unang pagkakataong nagkaharap sina Dorothy at Zendaya, at kumislap ang hangin sa pagitan nila nang magkatinginan sila!