Kabanata 964
Nabalisa si Zoey nang makita niyang nakalutang pa rin sa ere ang kanyang ina, kaya’t marahas niyang kinagat ang hita ni Terrance.
“Hmph!”
Isang malamig na singhal ang pinakawalan ng dakilang elder at bahagyang nagpakawala ng enerhiya palabas.
Tumalsik ang dalawang ngipin sa harap ni Zoey dahil sa naturang enerhiya.
Tumilapon din paatras yung maliit niyang katawan, at tumama siya sa lupa habang gumugulong. Huminto siya sa malapit na hardin, duguan ang ulo nang mawalan ng malay.
“Ahhh!” Napasigaw si Hailey, biglang nakaipon ng lakas ng loob, at sinipa si Terrance sa pundya nito.
“Ahh!”
Kahit na hindi sapat iyon para matumba siya, wala siyang kapangyarihan ng Mystic armor na meron si Alex, at ganap na wala siyang depensa.
Dahil sa paningin niya, isa lamang hamak na langgam si Hailey.
Gayunpaman, nakalimutan niyang kahit kagat ng langgam ay masakit kapag sa parteng iyon.
‘Bwisit!’ pagmumura ni Terrance sa kanyang puso. Pagkatapos ay hinawakan niya ang leeg ni Hailey at hinampas ito sa lupa. Dahil walang intensyong patayin si Hailey, hindi siya naglagay ng puwersa. Kung hindi, kahit sampung Hailey pa ay hindi sapat para sa kanya para hampasin.
Sa kabila noon, nabali pa rin ang kaliwang binti ni Hailey.
Napilayan yung tuhod niya, at nakabaluktot sa hindi natural na anggulo yung buong binti niya.
Matindi ang sakit kaya sumigaw at umiyak si Hailey.
Pero, ang mas inaalala niya ngayon ay ang kanyang anak. Sa nagngangalit na mga ngipin at mga luhang umaagos sa kanyang mukha, sinubukan niyang huwag pansinin ang sarili niyang sakit at gumapang na parang baliw papunta sa batang babae, hinihila ito sa kanyang mga bisig.
“Zoey, Zoey, huwag mong takutin si mommy. Gumising ka, gumising ka! Ahhh! Tulong!”
Si Byakko, na nakatayo sa tabi, ay tumitig kay Terrance at hindi na nakatiis.
Pagkatapos ng lahat, ordinaryong babae lang naman si Hailey, at si Zoey ay bata pa lang sa edad na lima o anim. Kinuyom niya ang kanyang mga ngipin at sumugod. “Patingin nga!”
Binigyan ni Terrance ng malamig na tingin si Byakko at ngumuso.
“Tabi! Tabi diyan!”
Nanginginig ang katawan ni Hailey, ang gulat na nararamdaman niya sa kanyang puso ay umaabot na sa sukdulan. Buhay at dugo niya ang kanyang anak. Kanina lang kumanta pa yung bata ng ‘Ina lang ang mabuti sa mundo’. Tapos ngayon, nangyari ito.
Tinakpan niya ang sugat sa noo ng kanyang anak, hindi pinahihintulutang hawakan ito ni Byakko.
“Kung hindi mo hahayaang hawakan ko siya, maaaring mamatay siya sa pagkaubos ng dugo,” sabi ni Byakko.
Nang hindi na hinihintay na sumang-ayon si Hailey, inabot ni Byakko para agawin si Zoey mula sa mga braso nito at sinundot ang ilang acupoints. Nang makitang maayos na ang sitwasyon, gumaan ang loob niya.
Malamig na sinabi ni Terrance, “Bakit ka nagmamalasakit sa isang langgam, Byakko?”
Niyakap ni Byakko si Zoey sa dibdib. “Dakilang Elder, bata pa siya.”
“Hmph. Huwag mo kalimutang narito tayo upang lipulin ang kanyang pamilya. Mamamatay lang rin siya mamaya kahit iligtas mo pa siya ngayon.”
Habang nag-uusap sila, dumating na rin sa wakas ang mga security guard na tumatakbo mula sa malayo.
Nang makita nila ang eksena, nagulat sila.
“Miss Hailey, ayos ka lang ba?”
“Anong nangyari? Sino kayong mga tao?”
Bahagyang kinaway ni Terrance ang kanyang kamay, at ang dalawang security guard na sumugod ay napaatras na parang binangga sila ng rumaragasang sasakyan. Mas minalas ang isa sa kanila, dahil tumusok ang kanyang leeg sa yero sa tabi, at sumabit siya roon, nakabitin.
Nawalan siya ng buhay sa isang iglap.
Nang hindi kumukurap, sinabi ni Terrance kay Hailey, “Wala rito yung kapatid mo. Tawagan mo siya ngayon.”