
Likod ng Maskara ng Tagapagmana7.4Ayoko: Webfic17 taon na ang nakalilipas mula noong naipagpalit si Hera Youngworth sa ibang sanggol noong isilang ito sa mundo. Nagawa siyang mahanap ng kaniyang biological family na mga Everetts. Pero sa kaniyang pagkadismaya, hindi siya gusto ng kaniyang ama at ng kaniyang lola. Hindi rin niya gusto ng kahit na kaunti ang fiancé na nireto ng mga ito sa kaniya.Nagsalita ang kaniyang ama na si James Everett, “Hinding hindi magagawa ng pamilya Gaskell na tumanggap ng isang probinsyana bilang manugang. Para sa ating mga pamilya, magsasagawa kami ng isang public announcement para gawin kang adoptive daughter ng aming pamilya.Sumabog naman sa galit ang kaniyang lola na si Mildred Barker, “Hindi maganda ang iyong mga grades kaya hindi ka karapat dapat na matulog sa kuwarto na para sa mga miyembro ng pamilya Everett. Doon ka matulog sa guest room!”Nagsalita naman ang kaniyang fiancé na si Zyler Gaskell, “Si Giselle ang tunay na kadugo ng mga Everett at siya lang ang nagiisang babae na karapat dapat para sa akin. Umalis kang probinsyana ka sa harapan ko!”Ano ang naging reaksyon ni Hera sa lahat ng ito? Wala siyang pakialam sa kahit na sino sa kanila.Hindi nagtagal, dumalas ang pagbanggit ng kaniyang pangalan sa mga headline.Unang Lihim: Si Hera ang misteryosong henyo na nakaperfect ng kaniyang mga score sa SAT!Ikalawang Lihim: Si Hera at ang kilalang hacker na si Raven ay iisa!Ikatlong Lihim: Si Hera ang nangungunang user sa listahan ng Divine Forum!Ikaapat na Lihim: Si Hera ang nakakuha sa puso ni Mr. Killian!Hindi pa natatapos dito ang listahang ito.Pinapahiya ng mga plot twist ang mga taong nangmamaliit kay Hera. Nagsiluhod ang mga ito bago sila magmakaawa para sa kaniyang tulong pero mayroon pa ring isang tao na nagtuturo sa kanila ng leksyon nang walang pagaalinlangan.Binigyan sila ni Bernard Killian ng aroganteng tingin bago ito dominanteng maganunsyo ng, “Sa akin lang si Hera at wala ng kahit na sino ang maaaring umangkin sa kaniya.”At pagkatapos, humarap siya kay Hera para naaawang sabihin na. “Tingnan mo kung gaano ka kaganda, Mrs. Killian. Umaasa ako na isasama mo ako sa pagtahak mo sa ng iyong buhay sa hinaharap.”Nanlalamig naman siyang tiningnan ni Hera. “Itigil mo na ang pagarte, Mr. Killian. Matagal ko nang alam ang iyong mga lihim.” Basahin na
Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko10.0Ayoko: WebficSa nakalipas na anim na taon, pinagbintangan siya ng masama niyang kapatid at iniwan siya ng asawa niya noong buntis pa siya.Makalipas ang anim na taon, gumamit siya ng ibang pangalan. Ngunit, ang lalaking umiwan sa kanya dati ay walang tigil sa pangungulit sa harap ng kanyang pinto.“Ms. Gibson, ano ang relasyon mo kay Mr. Lynch?”Ngumiti siya at sumagot lang siya ng kaswal, “Hindi ko siya kilala.”“Pero sinabi ng sources namin na minsan daw kayong kinasal.”Sumagot siya habang inaayos ang kanyang buhok, “Tsimis lang ‘yun. Hindi ako bulag.”Sa araw na ‘yun, tinulak siya sa pader sa sandali na makapasok siya ng pinto.Nagsalita ang tatlong anak niya, “Malabo daw ang mga mata ni mommy, sabi ni daddy! Aayusin daw ni daddy ‘yun para kay mommy!”Nagsalita siya, “Bitawan niyo ako, darling!” Basahin na
Asawa Kong Nakakausap ang mga Multo9.6Ayoko: WebficSi Yohan Morris, ang CEO ng Morris Corporation, ay gwapong lalaki. 30 na ang edad niya, ngunit hindi pa rin siya nagpapakasal. Kinukulit siya ng kanyang lola na magpakasal, at masungit siyang pumunta sa courthouse para maghintay sa magpapakasal sa kanya na mahulog mula sa langit.Sa tingin niya ay sapat na ito para tantanan siya ng kanyang lola, pero may biglaang pagbabago nang may dalagang hindi niya kilala ang kumatok sa bintana ng kotse niya at nagtanong, “Hinihintay mo bang hulugan ka ng langit ng mapapangasawa?”Bago siya makasagot, ngumiti ang dalaga at nagpatuloy, “Nagkataon na hinihintay ko rin ang langit na bigyan ako ng mapapangasawa. Handa akong pakasalan ka, at dala ko na lahat ng dokumento ko. Pasok na ba tayo para makuha ang marriage certificate?Pagkatapos ikasal, iniisip ng lalaki na baliw ang asawa niya. Lagi itong nakikipag-usap sa hangin, ngunit paminsan-minsan ay naiiligtas nito ang ibang tao mula sa panganib.Isang araw, hindi niya maiwasang magtanong, “Bakit mo palaging kinakausap ang hangin?”Sabi ng babae, “Wala naman akong kinakausap, ahh.”“Ano, mga multo ba ang kinakausap mo, kung ganoon?”“Oo, ganoon na nga. Nakakakita ako ng mga multo, kaya hindi siguro puro mga tao ang nakikita ko araw-araw. Maaaring mga multo rin pala sila.”Walang masabi si Yohan. Basahin na
Ang Nabawing Rosas9.2Ayoko: WebficInaamin ko na isang magandang babae ang true love ng asawa ko.
Sa kanyang pagbabalik, ang asawa ko, na sinasabi na wala siyang alam tungkol sa romansa kapag kasama ko siya, ay gumawa ng iba’t ibang paraan upang pasayahin siya. Maging ang anak kong lalaki ay paulit-ulit na sinasabi sa pagmumukha ko na gusto niya na ang true love ng tatay niya ang maging nanay niya.
Para sa kanila, ang tanging halaga ko ay sa pagluluto, paglilinis, at pag-aalaga sa kanila.
Maya-maya, isang autistic na batang babae ang humila sa damit ko at mariing sinabi na, "Siguro nga ayaw ni Zachary sa nanay niya, pero ako gusto ko!”
Doon ko lamang napagtanto na maaari pa ring mamukadkad ang isang rosas sa gitna ng isang disyerto. Noong sa wakas ay nakamit ko na ang gusto kong makamit sa buhay ko, pinagsisihan ng dati kong asawa at ng anak ko ang mga ginawa nila.
Tumawag ang dati kong asawa at sinabi na namimiss ako ni Zachary. Sinabi ko na, “Hindi na ako ang nanay niya."
Sinabi ng dati kong asawa na alam niyang nagkamali siya; bigla niyang napagtanto na ako ang mahal niya.
Hinalikan ng lalaking nasa tabi ko ang aking kamay. Sinabi niya ng may selos, "Sa tingin mo ba karapatdapat ka sa pagmamahal niya kung maging ako ay hindi pa nakukuha ang puso niya?” Basahin na
Nakalimutang Pag-ibig9.1Ayoko: WebficSi Ariana York ay isang mapagmataas na babae, ngunit isinantabi niya ang kanyang pride upang ligawan si Elijah Linden, isang malamig at tahimik na lalaki. Natupad ang hiling niya, at sa wakas ay ikinasal siya sa kanya. Subalit, pagkatapos nilang ikasal, napagtanto niya na may ibang mahal si Elijah.Naging katatawanan si Ariana para sa upper crust ng siyudad. Minsan, nag-away sila ni Elijah at tumalon siya mula sa isang gusali. Ang pangyayari ay narecord at inupload online—ininsulto siya ng buong siyudad.Noong nagising si Ariana, nawala ang lahat ng alaala niya tungkol kay Elijah.“Sino ka, mister?”“Hindi na uso ang pagpapanggap na may amnesia, Ari. Hindi ako makikipaghiwalay sayo.”Tumalikod si Ariana at umalis ng walang pag-aalinlangan.Pagkalipas ng tatlong taon, isang nakakatuwang batang babae ang aksidenteng bumangga kay Elijah. Nakita niyang palapit ang babaeng ilang beses niyang napanaginipan, at sinabi niya na, “Ari, siya ba ang—”Hawak ni Ariana ang braso ng isang gwapong lalaki. “Mr. Linden, hayaan mong ipakilala ko sayo ang tatay ng anak ko!” Basahin na
FALLING FOR THE MAN I MARRIED9.8Ayoko: WebficGabriel Wilsons, the well known 'devil' in the whole business industry of Chicago. He has everything that you wish for your dream man to have. Power, money, perfection, handsomeness and a body like a Greek God. But he's in love. He's still in love with the woman from his past.
The same woman he has given everything he had before, but eventually betrayed him, left him and shattered his heart into pieces. And because of that, he turned into a cold, heartless, rude and an arrogant billionaire who will do everything to seek revenge and to show her that she's no longer important in his life. Even though the truth is the opposite of what he is doing.
That's when he met me. I applied as his Personal Assistant to fulfil my bucket list of dreams. To explore my life and experience everything. Then he offered me a deal. He asked me to marry him just to show his ex that he already moved on.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"She's pregnant." He blurted out and I almost fall from where I stood. I just grasped the backrest of the couch to support my weight. The pain creeping in my heart was unbearable but I managed to stay calm.
"Congratulations!" I said faking my excitement. Well, I can't call it as cheating because she's the real reason why we were pretending as a couple. And that's when I made the biggest decision in my life. Taking the biggest secret in me, that I've already fallen in love with him---- I left him. Then eventually I learned a lesson.
'Loving someone who doesn't love you back isn't as hard as loving someone who can't see your worth and only uses you as his way to get someone he loves back into his life." Basahin na
Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman7.2Ayoko: WebficMinahal ni Madeline Crawford si Jeremy Whitman sa loob ng labindalawang taon, subalit siya mismo ang nagpadala sa kanya sa kulungan. Sa gitna ng kanyang sakit at pagdurusa, nakita niya pang nahulog ang lalaking ito sa ibang babae… Limang taon ang nakalipas, nakabalik na siya ng may panibagong lakas, hindi na siya ang parehong babae na pwede nilang maliitin ilang taon na ang nakararaan! Sa bago niyang anyo, sisirain niya ang kahit sinong magpapanggap at aapakan niya ang lahat ng sinumang basura. Kaya nga lang, nang sisimulan niya na ang kanyang paghihiganti sa lalaking sumira sa kanya… Biglang nagbago ang ugali nito. Mula sa pagiging isang malamig at walang emosyong tao, naging isa itong mapag-alaga, maalalahanin, at mapagmahal na lalaki! Hinalikan pa nga nito ang kanyang paa sa harap ng maraming tao habang nangakong, “Madeline, nagkamali ako na magmahal ng iba. Mula ngayon, ibubuhos ko ang natitira kong buhay para bumawi sa iyo.” Tumugon naman si Madeline, “Papatawarin lang kita kapag…. namatay ka na.” Basahin na
Ang Manghuhulang Heiress9.2Ayoko: WebficAng matagal na nawawalang anak ng pamilyang Locke, ay nakabalik na sa kanyang pamilya. Pagkatapos, ginamit niya ang livestreaming para kumita.Ang lahat ng mayayaman sa Riverview ay naghihintay na pamukhain niyang ewan ang sarili niya. Gayunpaman, ang nakita lang nila ay kung paano ang mga bigatin mula sa buong bansa ay dumagsa sa livestream niya para humingi ng tulong.Isang pasikat na tao sa mundo ng negosyo ay nagsabi, “Iligtas mo ako, Ms. Locke!”Isang aktor na nakatanggap ng parangal ay nagsabi, “Tulungan mo akong mapalayo sa hindi ko gustong admirers, Ms. Locke!”Isang bigatin sa mundo ng pananaliksik ang nagtanong, “Pwede mo ba akong tulungan sa geomancy sa larangan ko, Ms. Locke?”May nagsabi, “Lapit ka pa sa’kin, babe!”Nagtataka ang lahat kung bakit ang nagsabi nito ay sobrang naiiba sa lahat.Sabi ni Madison, “Iyan din ang gusto kong malaman.” Basahin na
Pagbalik Mula Sa Abo8.3Ayoko: WebficSa kanyang nakaraang buhay, naaalala lang ni Hayden Sterling ang paglaki sa isang ampunan. Inapon siya noong limang taong gulang at nakaranas ng pagmamahal ng isang pamilya. Pagkatapos, nakita siya ng kanyang biological na pamilya ng siya ay 15 taong gulang at dinala siya pabalik sa bahay ng mga Sterling.Siya ay desperado sa pagmamahal ng kanyang pamilya, kaya tiniis niya ang kahit anong dumi na tinapon sa kanyang mukha at sinubukang pasayahin ang kanyang mga magulang at tatlong kapatid na babae. Subalit, hindi nila pinansin ito at nagpatuloy na mahalin ang pekeng tagapagmana.Isang araw, ang pekeng tagapagmana ay nagplano ng isang aksidente, na pumatay sa kanya. Ang kaluluwa ni Hayden ay lumulutang sa ere habang pinapanood niya ang kanyang magulang at kanyang mga kapatid na babae na pinapaboran ang pekeng tagapagmana, na tanging nagalusan lang mula sa aksidente. Hindi nila pinansin si Hayden, na nakahandusay sa kanyang sariling dugo.Sa sandaling iyon napagtanto ni Hayden—hindi niya dapat pinangarap na makasama muli ang kanyang tunay na pamilya.Kalaunan, muling nabuhay si Hayden. Sa kanyang buhay na ito, sinumpa niya lang na mamuhay para sa kanyang sarili at sa mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.Subalit, ng magdesisyon siya na putulin ang ugnayan sa pamilya Sterling, ang kanyang magulang at mga kapatid na babae ay nagsimulang pagsisihan ang kanilang mga ginawa. Naalala nila ang mga bagay na ginawa niya para sa kanila at gusto na ayusin ang mga bagay bagay.Nakakalungkot na ang kanilang pagmamahal ay masyadong huli na! Basahin na