Kabanata 238
Pinunasan ni Zachary ang mga luha niya. “Hindi ko napansin kung gaano ako kamahal ni Mommy hanggang sa nawala siya sa'kin.”
Hindi siya makapagpatuloy. Sumabit sa lalamunan niya ang mga salita at natakot siyang kapag nagsalita pa siya, babaha na naman ang mga luha niya.
Dahan-dahan siyang tumayo. “Lola, pagod ako. Matutulog na ko.”
Habang pinanood siya ni Chloe na maglakad papunta sa kwarto niya, nanigas sa galit ang ekspresyon niya.
Galit na galit siya kay Jessica, na nangakong tatratuhin niya nang maayos si Zachary. Ang pangakong iyon ang dahil kung bakit sinuportahan ni Chloe si Jessica sa pagiging asawa ni Steven para palitan si Annalise.
Sa sandaling pinalitan siya ni Jessica, minaltrato niya si Zachary. Hindi niya pinansin ang lahat ng pinangako niya kay Chloe.
Durog na durog siguro si Zachary, ngayong isinantabi niya ang tunay niyang nanay at minaltrato naman siya ng madrasta niya.
Dahan-dahang tumayo si Chloe. Mukhang kailangan niyang kausapin nang seryoso si Jessica

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil