Kabanata 239
Pagkatapos mag-agahan, inihatid ko si Willow sa eskwela. Nakahinga ako nang maluwag habang pinanood ko siyang tumakbo nang masaya papunta kay Penelope.
Bumalik kami ni Zane sa opisina. Sa sandaling naupo ako, nakatanggap ako ng tawag mula kay Rowena.
“Bumaba ka,” sabi niya.
Nagtaka ako. “Huh?”
Para bang naiinip si Rowena nang sinabi niyang, “Kailangan kitang makausap.”
Dahil siya ang lola ni Willow at nanay ni Zane, naisip kong baka may gusto siyang pag-usapan kaugnay sa kanila, kaya hindi ako tumanggi. “Sige.”
Nagkita kami sa isang local tea house hindi malayo sa Huxham Corporation. Umorder si Rowena ng isang tsarera ng Earl Grey tea, nagsalin sa isang tasa para sa sarili niya, at magalang na nagsalin para sa'kin nang nakita niya akong lumapit.
Dumiretso siya sa punto. “Alam mo ba kung bakit hindi pa rin kasal ang anak ko?”
Umiling ako.
Para bang natuwa si Rowena sa sagot ko. “Noong estudyante pa siya, mayroon siyang babaeng nagustuhan.. “
Hindi ko napigilang mapaisip k

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil