Kabanata 475 Pagseselos ng Asawa
Masama pa rin ang loob ni Gideon at kita ito sa kanyang mukha.
Hindi umimik ang lalaki at hindi ito sumagot.
Napanguso si Nell. “Ikaw ang nabigong protektahan ako, bakit ka nagagalit ka sa akin?”
Napakibot ang kilay ng lalaki.
Matapos ang isang sandali, sumagot ito na para bang nagtatampo, “Nagkamali ako dahil iniwan kitang mag-isa, pero hindi ka dapat magpumilit na tulungan siya.”
Nasamid si Nell.
Nagpaliwanag siya nang mapagpasensya sa lalaki, “Mahusay siya pakikipaglaban. Kahit matindi ang pinsalang natamo niya, hindi ko siya magawang labanan. Hindi ka ba nagtataka kung sino ang taong ito?”
Kinagat ni Gideon ang labi at napatitig siya sa repleksyon ng lalaking nasa backseat gamit ang rearview mirror.
Puno ng dugo ang medyo nakabukas na kuwelyo ng lalaki. Nanliit ang mga mata ni Gideon.
“Gideon, tulungan natin siya ha? Pakiusap?”
Tinignan siya ni Gideon habang madilim ang ekspresyon sa mukha.
“Nagmamakaawa ka ba sa akin para sa kapakanan ng ibang lalaki?”
Hindi makapagsal

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil