Kabanata 476 Kasal
Syempre, natatandaan niya si Nell. Napatitig siya sa babae, saka napunta ang kanyang mga mata kay Gideon.
“Niligtas niyo ako?”
“Oo, hindi ka namin maiwan sa kondisyon mo kagabi. Hindi namin alam kung sino ka o kung ano ang nangyari sa iyo, kaya hindi kami naglakas loob na dalhin ka sa ospital. Mabuti na lang, sa labas lang ang mga sugat mo, kaya magiging maayos ka naman dahil nagamot ka na namin.”
Habang nagpapaliwanag si Nell, tila ba may naalala siya at napalingon siya kay Gideon.
“Wala siyang lagnat kagabi, hindi ba?”
Walang interes na tumugon si Gideon, “Wala.”
“Mabuti naman. Mukhang gumana ang gamot na pinainom ko sa kanya kagabi.”
Habang pinapanood ang mag-asawa, naisip ng estranghero na natural at pamilyar ang komunikasyon sa pagitan nila. Lumalim ang kanyang titig.
“Maraming salamat sa pagtulong sa akin. Kagabi, naabala ko pa ang binibini dahil sa desperasyon ko, buong puso akong humihingi ng tawad.”
Habang nagsasalita, yumuo ang lalaki nang abot hanggang sa baywang.

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil