Kabanata 84 Muling Paglalaban
Nanigas ang mukha ni Jason.
Sinunggabi ni Celine ang braso nito at sinabi habang nanginginig ang boses, “Jay, hindi ko na kaya…”
Suminghap si Janet. “Sige, magpanggap ka lang!”
Celine. “…”
Ganoon pa man, hindi na nagpigil si Celine sa harap ng kritismo ng publiko.
Habang malungkot ang mukha, tinignan niya si Nell, nanginginig ang kanyang hininga.”Ate, hindi ako makapaniwalang nagsasabi ka ng ganyang bagay! Sige, wala akong masasabi kung paparatangan mo ako sa insidenteng naganap dati pero ang mga salita ay hindi sapat para patunayan ang sinasabi mo!”
May isang tagahanga si Celine na hindi mapigilang ipagtanggol siya nang makita ang nakalulungkot nitong estado.
Nagsalita siya bilang pagsuporta kay Celine, “Tama iyon. Hindi mo pinaliwanag ang sarili mo limang taon ang nakararaan. Ngayong tapos na ang lahat, lalabas ka na lang para sabihing hindi totoo ang lahat. Paano mo naman mapapatunayan?”
Nanigas si Janet.
Kumikilos siya ayon sa plano ni Nell pero hindi niya inasahan ito.
N

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil