Kabanata 172 Parang Hindi Magkakilala
"Anak ko?" umiling si Yvonne habang humihikbi. "Wala na ang anak ko."
"Ano? Anong sabi mo?" Nanlaki ang mga mata ni Lynette, hindi siya makapaniwala sa narinig niya, "Nawala ang bata?"
"Oo."
"P...Paanong nangyari 'yon?" kinakabahang tanong ni Lynette habang pinagmamasdan ang sinapupunan ni Yvonne.
Tumingala si Yvonne at pinigilan ang kanyang mga luha. "Nalaglag ang bata noong na-aksidente ako."
"’Yon ba ang rason kung bakit mukha kang depressed?"
"Isa 'yun sa rason," malungkot na sagot ni Yvonne
Totoong isa lang yon sa mga rason. Ang isa pang dahilan ay dahil pangalawang beses nang sapilitang kinuha ang kanyang bone marrow, kaya lalong naging masama ang lagay ng kanyang katawan at mabilis siyang nawalan ng timbang.
Makikita na din na lumalala ang kondisyon ng kanyang buhok dahil sa mabilis na pagkalagas nito.
Kung mag-tutuloy ito, hindi malayong makalbo siya.
"Sinisisi ka ba ng asawa mo sa pagkawala ng anak niyo?" nag-aalalang tanong ni Lynette.

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil