Kabanata 173 Tseke Mula Kay Dominic Conrad
Mas lalong sumasakit ang dibdib ni Henry sa naisip. Hindi niya kayang tiisin ang sakit. Napakapit siya nang mahigpit sa suot na damit habang may mga butil ng malamig na pawis ang namumuo sakanyang noo. Kita ang pamumutla sa kanyang mukha.
Dumantay siya sa pader habang papasok ng villa. Si Sue, na may sama ng loob kay Henry, ay biglang nag-alala ng nakita siya, "Ayos ka lang ba, sir?"
Nagmamadaling siyang tinulungan ni Sue makaupo sa sofa at binigyan ng baso ng tubig.
Inilayo ni Henry ang baso at namumutlang nagtanong, "Sue, bakit sobrang nasasaktan ako?"
"Saan banda ang masakit, sir? tanong ni Sue na mas lalong kinabahan.
Itinuro ni Henry ang kanyang dibdib, "Dito!"
"Dyan?" nagtatakang tanong ni Sue, "Paano ka nakakaramdam ng sakit dyan?"
"’Yun din ang gusto kong malaman. Bigla na lang sumakit nang sobra." sagot ni Henry na garalgal na boses. Tinatakpan niya ng braso ang kanyang mga mata.
Nag-aalalang nagtanong si Sue, "Tawagan ko ba si Dr. Summers, sir?"

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil