Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 78 Nasaan Si Young Mr. Lancaster

“Parang hindi naman...” Sagot ni Yvonne habang tinatapik ang kanyang labi, tila hindi sigurado. Sabi ni Henry hindi siya sinisisi nito pero sa bandang huli ay tila galit ito sa kanya. Hindi sigurado si Yvonne kung ano ang kinagalit nito. Napakahirap talagang basahin ng lalaking iyon! Hindi alam ni Lynette ang tumatakbo sa isip ni Yvonne kaya naniwala naman ito at sinabing. “Mukhang maginoo talaga si Mr. Lancaster. Hindi man lang siya nagalit sa’yo.” “Maginoo?” Pag-uulit ni Yvonne sa kanyang sarili. Siguro... Maginoo si Henry, pero bibihira ito pagdating sa kanya. Lahat ng lambing at pagkalumanay nito sa katawan ay para sa babaeng si Jacqueline! Parang tinutusok ng mga karayom ang puso ni Yvonne habang iniisip ito. May sakit at kirot siyang nadarama. “Sige, Lyn, mauna na muna ako. Babalik rin ako pagtapos ng ilang araw.” Pilit na ngumiti si Yvonne kasabay ng pagsarado niya ng kanyang maleta. Pilit niyang tinatago ang kanyang nararamdaman. Tumango naman si Lynette. “Tara, h

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.