Kabanata 304
Tumingin ako sa kanya.
Sabi ni Eric, “May higit dalawandaang libong clicks kagabi! Ngayong mas nakatawag ng atensyon ang animated series, dadami nang mabilis ang followers mo sa lahat ng platforms!”
Pagkatapos, sinabihan niya ako, “Dapat mong tignan kung anong kinalabasan ng animated series at makita kung umabot ba ito sa inaasahan mo.”
Doon ko lang binuksan ang video platform at pinindot ang series.
Ibang-iba ang boses ng voice actor para kay Willow, pero ang kakaiba rito, parang halos magkapareho sila ng pananalita ni Willow. Maging ang voice actors para sa'min ni Zane ay may parehong epekto.
Hindi ako nakapaniwala at napaisip kung paano nila ito nagawa.
Sa umpisa ng video, naisip kong isang perpektong kopya ng comic ko ang animation. Nang nagsimulang kumilos ang mga karakter, para bang nabuhay ang mga karakter ko.
Bigla kong naalala ang araw na umalis ako sa bahay ni Steven habang nagpatuloy ang kwento. Noon, walang natira sa'kin, at naisip kong mahaharap ako sa paghihira

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.