Kabanata 165
Walang gana si Carlisle na magpaliwanag kaya naman lumakad nalang siya papunta sa bangko.
Si Francis naman ay naglabas ng malaking suitcase galing sa trunk.
Pinigilan ni Sienna si Francis at nagtanong, “Kuya, kay Carlisle ba sasakyan ‘yon?”
“Sa’kin,” sagot ni Francis.
Naguluhan si Sienna. “Kaano-ano ka ba ni Carlisle? Nakita kita pinagbuksan mo siya ng pinto ng sasakyan sa school gate.”
“Ano naman sa’yo?” Napansin ni Francis kanina na parang ayaw makipagsalamuha ni Carlisle sa babaeng ito, kaya kahit siya ay wala ring gana.
Kumunot ang noo ni Sienna. “Mazda lang naman ‘yan ah. Nakita mo ba yung Mercedes at Porsche doon? Sa boyfriend ‘yon ng best friend ko. Kilala mo ba kung sino yung boyfriend ng bestfriend ko?”
“Ah, akala ko sa boyfriend mo eh. Sa boyfriend pala ng kaibigan mo!” Pang-aasar ni Francis bago siya pumasok sa bangko.
Pumadyak sa inis si Sienna noong marinig niya ang sagot ng lalaki.
Ngayon ay nasa loob na ng bank lobby si Carlisle. Sinalubong agad siya ng bank manager ha

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.