Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 166

“Ano namang kinalaman no’n sa’yo?” Mariing sinabi ni Carlisle. Tila ba hindi niya kilala kung sino ang kausap niya. Kahit na anong piga ni Sarah sa isip niya, hindi talaga niya mawari kung saan makukuha ni Carlisle ang ganoong kalaking pera. Tumawa ang babae. “Dirty money siguro. Kung may ginawa kang ilegal na bagay, payo ko lang sa’yo na sumuko ka na!” “Isipin mo na kung ano gusto mo’ng isipin.” Inirapan lang siya ni Carlisle. Ayaw na niyang makipagtalo sa kaniya. “Carlisle, makinig ka sa’kin. Kung kailangan mo na umamin, gawin mo nalang. Kung hindi para sa’yo, para sa mga magulang mo. Itinawid ka nila sa hirap ng buhay.” “Consider this advice from a former classmate. Nasabi ko na ang kailangan kong sabihin!” Sa tono ng pananalita ni Sarah, aakalain mo na may pakialam siya sa kalagayan ni Carlisle. Nanggigil tuloy si Carlisle. “Hindi mo ba matanggap na may pera na ako ngayon?” Tinamaan si Sarah sa mga sinabi niya. Kaya hindi na nagpreno ang babae sa mga salita niya. “Kung legal mo’ng

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.