Kabanata 266
Nang makita ni Laura na pumasok si Avery sa pintuan, nagmamadali siyang tumayo mula sa sofa para salubungin ito.
“Avery, nag dinner ka na ba?”
“Mommy, may nakita ka bang pulang kahon?” Nagmamadaling hinagis ni Avery ang kanyang bag sa sofa at natataranta siyang dumiretso sa kwarto ng kambal.
“Pulang kahon?” Nag’aalalang sinundan ni Laura si Avery, “Parang wala naman akong napansin. Bakit?”
“May nawawalang ganun si Elliot. Chineck niya ang surveillance footage at wala siyang nakita. Pero noong pumunta kami sa mansyaon, hinack ni Hayden ang mga surveillance camera nila kaya hindi maiwasan ni Elliot na isiping baka si Hayden ang kumuha.” Paliwanag ni Avery.
“Grabe naman siya para pagbintangan si Hayden!” Galit na sagot ni Laura.
Bakas sa mga mata ni Avery ang sobrang pag’aalala nang tumingin siya kay Laura, “Mommy, alam kong hindi yun kayang gawin ni Hayden, pero nitong mga nakaraang araw kasi kahit ako ginugulat din ni Hayden sa mga ginagawa niya eh.”
Napabuntong hininga nalan

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.