Kabanata 267
“Hindi po.” Kalmadong sagot ni Hayden.
“Totoo ba yan?” Muling tanong ni Avery.
“Hindi po talaga.” Sa pagkakataong ito, medyo naging emosyunal si Hayden.
Nang maramdaman yun ni Avery, hindi na siya nagtanong muli dahil ayaw niya namang maramdaman ng mga anak niya na hindi siya naniniwala sa mga ito.
Hinawakan ni Hayden ang kamay ni Layla at sabay silang pumasok sa kwarto nila para ilagay ang mga gamit nila.
Pagkasarado ng pintuan at matapos siguraduhing walang nakasunod sakanila, nagmamadaling bumulong si Layla, “Hayden, bakit ka nagsisinungaling? Hindi tayo dapat nagsisinungaling kay Mommy.”
Sa totoo lang, hindi naman nagsinungaling si Layla. Hindi lang niya sinabi noon pero ngayong nagtatanong na ang kanyang mommy, wala siyang intensyong itago yun.
“Sigurado ako na nababaliw na ngayon si Elliot kakahanap sa kahon na yun. Naisip mo ba na kapag binalik natin yun ngayon, pag’iinitan niya lang tayo kaya hayaan mo siyang mamatay kakahanap jan.” Walang emosyong sagot ni Hayden.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.