Kabanata 14
“Gusto ko ng divorce kasi trinaydor mo ‘ko.”
Walang ekspresyon akong nagsalita at huminga ako nang malalim, sinusubukan kong pigilan ang mga emosyon ko. “Pero hindi ibig sabihin kailangan natin maging magkaaway. Kailangan tayo ng mga bata na maging—”
“Tama na,” pinigilan ako ni Yvonne. “Cole, huwag mo ng gawin pang dahilan ang mga bata. Nag-divorce na tayo. Ikaw na ang bahala kay Jonas at ako bahala kay Xavier. Huwag na tayo magkita ulit, okay?”
Habang nakatingin sa kaniya, bigla kong napagtanto gaano kalaki ang pagkakaiba naming dalawa. Para sa akin, kahit na tumira sa kaniya si Xavier, anak ko pa rin siya. May pakialam pa rin ako sa kaniya.
Pero si Yvonne hindi niya na iniisip si Jonas.
Habang malungkot na nakangiti, umiling ako. “Oh sige. Kung ‘yan ang gusto mo.”
Sa oras na iyon, nakarinig kami nang malakas na ingay sa kwarto. Tunog iyon ng pag-iyak ni Jonas.
Tumakbo kami palapit at nakita naming nakabaluktot si Jonas sa sahig. Nasa tabi niya ang basag na vase. Nakatayo si

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.