Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1291

Habang nakatitig si Alex sa kanya, naisip niya, ‘Hindi talaga ‘to kanais-nais tingnan.’ Umiling siya. “Wala akong ginawa. Anong ginawa mo sa sarili mo?!” Nagsisi siyang hindi niya inilabas ang kanyang phone para i-record ang ginagawa nito kanina. Kung gagamitin iyon bilang ebidensya, hindi siya nito masisisi... Gayunpaman, kung talagang ire-record niya iyon, malamang na magagalit pa rin ito sa kanya. “Ahh…” Nakatingin pa rin sa sarili, agad na binutones ni Soraya ang kanyang shirt. Gayunpaman, sa kanyang pagtayo, nanginginig ang kanyang katawan, halos matumba siya. ‘Ang sakit!’ “G*go ka! Manyak! Dapat kang mabulok sa impyerno!” Kinuyom ni Soraya ang mga ngipin niya at pinandilatan si Alex, sumasabog sa galit. Tumulo ang luha sa kanyang mga pisngi sa pag-aakalang ginahasa talaga siya ni Alex. Higit sa lahat, birhen pa kasi siya. ‘Bakit nawala ang pagkabirhen ko sa manyak na ito? Gusto ko siyang balatan ng buhay!” Saka lang niya napagtanto na isa na namang problema ang kinakaharap niya.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.