

Inaamin ko na isang magandang babae ang true love ng asawa ko.
Sa kanyang pagbabalik, ang asawa ko, na sinasabi na wala siyang alam tungkol sa romansa kapag kasama ko siya, ay gumawa ng iba’t ibang paraan upang pasayahin siya. Maging ang anak kong lalaki ay paulit-ulit na sinasabi sa pagmumukha ko na gusto niya na ang true love ng tatay niya ang maging nanay niya.
Para sa kanila, ang tanging halaga ko ay sa pagluluto, paglilinis, at pag-aalaga sa kanila.
Maya-maya, isang autistic na batang babae ang humila sa damit ko at mariing sinabi na, "Siguro nga ayaw ni Zachary sa nanay niya, pero ako gusto ko!”
Doon ko lamang napagtanto na maaari pa ring mamukadkad ang isang rosas sa gitna ng isang disyerto. Noong sa wakas ay nakamit ko na ang gusto kong makamit sa buhay ko, pinagsisihan ng dati kong asawa at ng anak ko ang mga ginawa nila.
Tumawag ang dati kong asawa at sinabi na namimiss ako ni Zachary. Sinabi ko na, “Hindi na ako ang nanay niya."
Sinabi ng dati kong asawa na alam niyang nagkamali siya; bigla niyang napagtanto na ako ang mahal niya.
Hinalikan ng lalaking nasa tabi ko ang aking kamay. Sinabi niya ng may selos, "Sa tingin mo ba karapatdapat ka sa pagmamahal niya kung maging ako ay hindi pa nakukuha ang puso niya?” 
Si Yohan Morris, ang CEO ng Morris Corporation, ay gwapong lalaki. 30 na ang edad niya, ngunit hindi pa rin siya nagpapakasal. Kinukulit siya ng kanyang lola na magpakasal, at masungit siyang pumunta sa courthouse para maghintay sa magpapakasal sa kanya na mahulog mula sa langit.Sa tingin niya ay sapat na ito para tantanan siya ng kanyang lola, pero may biglaang pagbabago nang may dalagang hindi niya kilala ang kumatok sa bintana ng kotse niya at nagtanong, “Hinihintay mo bang hulugan ka ng langit ng mapapangasawa?”Bago siya makasagot, ngumiti ang dalaga at nagpatuloy, “Nagkataon na hinihintay ko rin ang langit na bigyan ako ng mapapangasawa. Handa akong pakasalan ka, at dala ko na lahat ng dokumento ko. Pasok na ba tayo para makuha ang marriage certificate?Pagkatapos ikasal, iniisip ng lalaki na baliw ang asawa niya. Lagi itong nakikipag-usap sa hangin, ngunit paminsan-minsan ay naiiligtas nito ang ibang tao mula sa panganib.Isang araw, hindi niya maiwasang magtanong, “Bakit mo palaging kinakausap ang hangin?”Sabi ng babae, “Wala naman akong kinakausap, ahh.”“Ano, mga multo ba ang kinakausap mo, kung ganoon?”“Oo, ganoon na nga. Nakakakita ako ng mga multo, kaya hindi siguro puro mga tao ang nakikita ko araw-araw. Maaaring mga multo rin pala sila.”Walang masabi si Yohan. 